
Ako po ay isang babaeng Pilipina. Ako ay kasal sa isang Hapon at nakatira ngayon dito sa Japan gamit ang “spouse visa.”
Ngayon po ay buntis ako sa anak namin, pero nakipaghiwalay na po ako sa asawa ko dahil hindi na po kami magkasundo.
Ang problema ko po ay ang visa ko — mawawalan na ito ng bisa sa loob ng 45 araw, pero mga 60 araw pa bago ako manganak.
Gusto ko po sanang manganak dito sa Japan at magpatuloy manirahan dito kasama ang baby ko.
Dahil hiwalay na kami ng asawa ko, hindi ko na po marenew ang “spouse visa,” at wala rin po akong ibang visa gaya ng work visa.
Kailangan ko po bang umuwi ng Pilipinas pagexpire ng visa ko?
Hindi na po kasi ako puwedeng bumiyahe — malapit na akong manganak.
May paraan po ba para manganak ako rito at makakuha ng bagong visa nang hindi umuuwi?
Sagot:
Oo, may paraan po.
Bago po magexpire ang visa ninyo, pumunta agad sa Immigration (Nyukokukanrikyoku) at magapply ng “Teijū Visa” o “longterm resident visa.”
Kung gagawin po ninyo ito bago magexpire ang visa, malaki po ang chance na payagan kayong manatili sa Japan nang tuloytuloy, kahit hiwalay na kayo sa asawa ninyo.
Ang visa na ito ay para sa mga magulang na may anak na Japanese citizen.
Kahit buntis pa lang po kayo, puwede na kayong magapply basta may mga dokumento tulad ng:
medical certificate mula sa doktor na nagsasabing buntis kayo,
kopya ng Koseki Tohon o Divorce Certificate,
at letter of explanation kung saan ikukuwento ninyo kung bakit kayo naghiwalay at bakit gusto ninyong manatili sa Japan.
Kapag kumpleto po ang mga ito, madalas ay naaaprubahan ang application.
Kung natatakot po kayo na baka maging overstayer pagexpire ng visa ninyo, huwag po kayong masyadong magalala.
Hindi pinipilit ng Immigration na magbiyahe ang buntis na nasa huling buwan ng pagbubuntis, lalo na kung delikado ito.
Ang mahalaga po ay magsabi kayo agad sa Immigration at magapply bago magexpire ang visa ninyo.
At isa pa, kahit hindi pa “legal” ang divorce sa Pilipinas, okay lang po sa Japan.
Kung nakarehistro na po ang divorce ninyo sa Japan, tanggap na iyon dito — hindi kailangang hintayin na tanggapin din ng Pilipinas.
Naiintindihan po ito ng Immigration dahil mahirap ang proseso ng divorce sa Pilipinas.
Kumpirmado po ito sa Osaka Immigration Office.