*

  1. Nagpasa ako ng aplikasyon para sa pagrenew ng aking kasalukuyang status of residence o pagpalit sa ibang status, ngunit kahit lampas na ang petsa ng bisa, wala pa ring resulta mula sa Immigration. Sa ganitong sitwasyon, itinuturing ba akong overstayer?

Kung ikaw ay nagsumite ng aplikasyon para sa renewal o pagbabago ng status of residence bago magtapos ang iyong kasalukuyang bisa, hindi ka ituturing na overstayer sa loob ng pinakamataas na dalawang buwan, simula sa araw pagkatapos ng petsa ng pagexpire.

Ang panahong ito na umaabot ng dalawang buwan ang tawag ay “special period”, at sa panahong ito, legal pa rin ang iyong pananatili sa Japan (Ayon sa Artikulo 206 at 214 ng Immigration Control and Refugee Recognition Act).

Kaya kahit tanungin ka ng pulis sa loob ng special period, hindi ka maaaresto.
Gayundin, hindi maaaring tanggalin ka ng iyong employer o tanggihan kang magtrabaho dahil lamang lumipas na ang petsa sa iyong residence card.

  1. Ano ang mga katangian ng special period? Walang inilalabas na sertipiko upang patunayan na ikaw ay nasa special period.
    Sa madaling salita, sapat na ang iyong kasalukuyang residence card kasama ang patunay na tinanggap ang iyong aplikasyon upang mapatunayang legal ka pang naninirahan sa Japan. Bagama’t ang special period ay hanggang dalawang buwan, ito ay natatapos kaagad kapag natanggap mo ang resulta mula sa Immigration tungkol sa iyong aplikasyon.
    Maaaring aprobado o hindi aprobado ang resulta. Kapag hindi aprubado, karaniwang binibigyan ka ng 30 o 31 araw na “Designated Activities” bilang paghahanda sa pagalis ng Japan. Ayon sa batas, ang may validity ng 30 araw o mas mababa na residence status ay hindi sakop ng special period (tala sa Artikulo 206). Ang pahintulot sa activities outside the authorized status ay mananatiling valid, ngunit para sa mga estudyante, kinakailangan na patuloy na nakaenroll (ayon sa Enforcement Regulations Artikulo 195 Item 1). Maaari ka ring magaplay para sa reentry permit at pinahihintulutang umalis at muling pumasok sa Japan.
    Gayunpaman, dapat kang manatiling nasa posisyon na agad makadalo kung tatawagin ka ng Immigration sa loob ng special period.
    Kasama rito ang pagiging madaling matawagan, paghahandang makabili agad ng plane ticket, at kakayahang makabalik ng Japan nang hindi naaantala.